Description

I am Xy and this blog is far from complete...!

Navigation

Archives
July 2009
August 2009
host
design
email

Links

renka
trish
maemae
erice
More to come :D
Wednesday, July 29, 2009

Ranting now, posts later
Pambihira, nagkalat ako ng ink ng printer sa kuwarto

Lakas na pala ng pressure siniksik ko pa rin

Ayun, pagrelease ko ng onting onting onti onting hangin...

Poof, it became Koko Krunch yung sahig ng kwarto ko.

XD

Saka na ko posts ng pang araw araw na pamumuhay. Inaantok na ako.


posted by xyriztan # 6:44 AM


Saturday, July 25, 2009

ANG PAGMAMANTIKA SA KABAHAYAN TUWING SABADO
Weheheheh. Sarap ng buhay. Pa tetext text at nanggugulo lang ako sa mga taong may pasok sa eskuwela nila... Pa Dota-dota lang shop-to-shop... palaro-laro lang ng psp habang nakahilata sa higaan... Wahahahahah. Gueh yun lang. Un lang talaga e. XD


posted by xyriztan # 6:44 AM


Friday, July 24, 2009

TGIF ^^
Whew. Thank God It's Friday... Hahahaha.

Hmm. Ayun the usual Friday. Discussion sa Math 17 about Functions and Relations at ginamit pang example sa relations yung mga na late naming kaklase :))

Sa ComSci naman, as usual si Sir Jerix todo trace ng program sa whiteboard at dun sa de-hatak. After nun, programming na, naunang natapos ni Xander ung 3 program medyo nahuli ako kasi nabobo ako dun sa fibonacci program. Hahahahaha.

Tapos magmomonster-hunter dapat kami ni Bondoc kaya ngalang magkaiba pala yung region version namin so hindi kami nagkikita in-game. [bano!!!]

Tapos NatSci na. Whew parang graduation lang kanina, tinatawag alphabetically pangalan tapos kukunin mo ang result ng mahiwagang long test niya. Hahahaha I got 64... Wahahaha BABA!! Pero ayos lang atleast passing ay [50+] XD Tapos nung papunta na ako ng AS, nakita ko sina Xander, Fred... tapos andun din pala si Ron Van, batchmate ko siya noong elementary, halos di ko nga nakilala e XD

And then nagchikahan lang nanaman sa Kas 1 namin, kulit talaga magdiscuss ng Prof namin dun. Makalumang Neopolitan ung mga kuwento niya. Kaaliw. :))

Tapos nagkita-kita kami ni Benjie at Nieva dun sa CASAA, punta daw kami PLM, tapos ayun nagkalabo-labo uuwi na daw yung mga pupuntahan namin, tapos kung kailan nag diverge [oha] kami ng landas saka lang ako tinext ni Emmith kung nasan na ako tapos kita daw kami. Haha. After nun nakita ko sila Emmith, Ervin at Danica. Nag SM San Lazaro kami, huhuhu, repeating 4th yr HS Memories. Hahahaha. May ganung efek? Tapos un, dumating din si Katrina Marie H. Bertol at miss na miss na niya ako. WAHAHAHA. May tinuro siyang handshake sakin na ewan. Ah basta. :) Dumaan din si Benjie kaya ngalang hinahanap na siya sa bahay kaya umuwi na rin. Ayun. Na-miss ko sila, Na-miss nila ako, kaya ibig sabihin nun, Uwian Na!

Ge. Sa susunod muli, Nyt. :)


posted by xyriztan # 8:34 AM


Thursday, July 23, 2009

Nakalimutan mag update
Kahapon wala naman masyadong nangyari eh. Hahahahaha.

Ngayon wala din masyadong nangyari.

Whew. XD

May mga araw talagang ganito sa buhay ng tao.

Minsan marami kang gustong sabihin ngunit anim na linya lang ng pangungusap ang nagawa

Hahahaha. Yun lang muna. Babay. :)


posted by xyriztan # 5:36 AM


Tuesday, July 21, 2009

Uber Tunganga
Hi kamusta kayo? Na-miss niyo ba ako? Hahahahaha. Ayun Perfectly Ultra Super Terrific Exciting Killing-boredom P.U.T.E.K. for short. Putek talaga kasi ang aga ng klase ko 7:00-8:15 Math 17 yun. Grabe mula Recto Station hanggang Katipunan Station plakda ako sa upuan ko sa sobrang antok. Whew. After naman nung Math 17 I have a grueling 8:30-12:00 break. Break for what? Wala. Magsasayang lang ako ng oras. Siguro simula 8:30-9:30 nagtetext lang ako sa mga dividers ng Eng'g Lib II tapos 9:30-10:00 nag-aral aralan ako ng Nat Sci 1 kasi may "Long Test" daw bukas. [100% dun manggagaling grade namin]. Tapos nagdate kami ni Papa Daniel Raymund Nieva [Dan for short] sa CASAA. Wahahahahah. Next class niya sa AS ako naman sa CHK [aka Gym] Tapos yun, nagbadminton kami Yeay Panalo ako 2-0 kay Michael Bernabe, talo naman ako sa unang set kay Ferdi Lopez, galing niya e 22-24 score namin. Hay. Pagkatapos nung 12:00-1:00 na PE, 1:00-2:30 na BREAK nanaman. Grabe mabbreak na ako sa mga break ko! [no puns intended]. Pumunta ako ng CASAA para mag emote mag-isa tapos nakita ko sa Jan Adams Gempes [BS CoE] kumain kami tapos may kinukuwento siya tungkol dun sa buddy niya sa DOST na Org, ang ganda ganda nagdate daw sila ganun blah blah blah. Hahaha. Tapos namataan namin si Fred Calilung nung malapit na magsimula klase namin. Sumali daw siya sa PUGAD na Org [Org ng Psych majors] kahit hindi siya Psych. Tapos ayun. Nag Eng 1 na kami nothing much, haha, Banana que ginamit ko na favorite food kunwari para dun sa activity, wag niyo na usisain kung bakit. Hahahahahah.

Unli ako sa Globe ng 5 days! Text niyo ko ah? XD


posted by xyriztan # 4:08 AM


Monday, July 20, 2009

Rainy Mondays makes me T_T
Before anything else nga pala, popost ko ang aking class schedule sa school XD

Tuesdays and Thursdays
7:00-8:15 Math 17
12:00-1:00 PE
2:30-4:00 Eng 1

Ayos no? Hmph.

Wednesdays and Fridays
7:00-8:15 Math 17
Wed 9:30-11:30 CS 11
Fri 8:30-11:30 CS 11
1:00-2:30 NatSci 1
2:30-4:00 Kas 1

Eto naman HECTIC. DX

I really hate the thought that I don't have a blocksection. Tapos yung mga kaklase ko sa Math 17 magkaka-block sila [Psychology course nila.] Tapos si Xander lang yung kakilala ko na kaklase ko sa isang subject [CS 11] ayun. Hirap kaya maglunch mag-isa! Hahahahaha.

Kanina as usual, nakatunganga lang ako sa bahay. Feeling ko nga sinuwerte nalang din ako sa choice of classes ko eh. Palagi nalang akong walang ginagawa sa bahay. Wahahaha. So yun, pumunta kami ng SM San Lazaro ng ate ko kanina para magpagupit lang ako [whoaw sosyal?XD] at supposedly nakita daw ako ni Edgar Fojas sa SM. Tinawag daw niya ako ngunit pababa na raw siya ng escalator. Haha. Grabe yung nanggupit sa akin kanina. Multi-tasking siya oy, tatlo ata kliyente niya at a time, palipat-lipat ng ginugupitan. Hahahaha. Sobrang tagal tuloy :( Next naman bumili kami ng Fruitas na smoothie, inorder ko yung Mango Banana pero lasang saging lang talaga medyo-medyong nabadtrip ako kasi wala talagang lasa ng mangga kahit ilang tikim ginawa ko. Tinipid siguro nako. Tapos yun umuwi na ako at nag-online at inaantok. Pasukan na muli bukas at usual routine nanaman ng apat na araw. DI ko mamamalayan tapos weekend nanaman pala. Nako ano kaya magandang dalhin bukas para sa Eng 1 ko? Bring your favorite food daw eh para gagawing topic ng paragraph writing, nako naman. Suggest naman kayo! Hahaha sige yun lang hanggang sa susunod. :)


posted by xyriztan # 5:47 AM


Sunday, July 19, 2009

+1 Araw sa aking buhay
Nakakatamad talaga kapag weekend tapos wala kang load at wala kang magawa sa bahay. Wew. Buti nalang may PC at Internet. XD Ang mga nagawa ko ngayong araw ay:

• Uminom ng Quickly at kumain sa KFC
• Nagbasa ng sandamukal na gm sa cellphone
• Nagpapedicure (Pagupit din sana kaya ngalang wala yung gay na nanggugupit skin XD)
>Nagkaron ng komosyon dun sa nail spa na yan. Na-istroke ung isang customer dun sa massage area tapos yung kasama nung na-stroke kung sino-sino sinisi isu-sue daw yung company blah blah blah etc., eh pinamasahe ba naman niya yung matandang kakakain lang tapos pinadapa dun sa masahista di'ba? Wag siya manisi responsibilidad nila yun.
• Nalamang hindi na pala tuloy yung HP6 Movie Gig ng Faraday na gagawin dapat sa Biyernes (I thought so.)
• Natapos ko ang exercises 3,4 at 5 sa Computer Science subject namin. Wala pa instructions yung guro tungkol sa pagsesend ng mga yun sa kanya. So yun.
• Hindi ako nagdota ngayon (Woooooow!)
• Natapos ang 2.4gb na download na tumagal ng halos 14hours.
• May naglink ang blog ko kahit ayaw ko ipa-link. :P
• Naglevel-up sa Flyff. Hahahaha.
• Nag SM San Lazaro.
• Yun lang.

Gosh. Lunes bukas. Baka bukas na ako magpagupit. Post ko next time class schedule ko para alam niyo kung kailan niyo ako pwede yayain lumabas? XD! Buh-bye. :)


posted by xyriztan # 6:49 AM


Saturday, July 18, 2009

Kauna-unahang Blog Kauna-unahang Post
Ayun. May blog na rin! Hahahahahaha!
Natanga kasi ako sa kakaisip ng Blog URL... Wahahahahaha :))

Hayaan niyong alayan ko kayo ng isang inspiring haiku na iniisip ko palang habang tina-type ko ang pangungusap na ito:

Ako ay si Xy
Gusto ko malaman niyo
May Blog na ako!

...

Inspiring di'ba? Hahahahahaha XD
Ge. Tulog na ako. Andir Kunstraksyun pa itong blog ko. Wait lang kayo. Zzz...


posted by xyriztan # 9:49 AM